Ulat sa blended learning na isusumite kay PBBM, inihahanda na ng DepEd

Ulat sa blended learning na isusumite kay PBBM, inihahanda na ng DepEd

October 8, 2022 @ 9:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sa nakatakdang rollout  ng full face-to-face classes sa susunod na buwan, kasalukuyan nang kinakalap at tinitipon ng Department of Education (DepED) ang data ng mga eskwelahan na magpapatupad ng  blended learning na isusumite kay Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.

“We are currently coming up with the report to be given to the President,” ani DepED Spokesperson Michael Poa sa isang press conference nitong Biyernes. “Once given to the President, it will be up for his consideration what will be done,” ayon sa DepEd.

Matatandaang nagbukas ang klase para sa  School Year (SY) 2022 -2023 noong Agosto 22.

Pinayagan ang mga eskuwelahan na magpatupad ng  full face-to-face, blended learning, at full distance learning hanggang Oktubre 31. Kris Jose