Ultra Lotto 6/58 jackpot papalo na sa P283M

Ultra Lotto 6/58 jackpot papalo na sa P283M

November 24, 2022 @ 8:39 AM 3 days ago


MANILA, Philippines – Tinatayang aakyat sa sa hanggang P283 milyon ang Ultra Lotto 6/58 jackpot para sa draw sa Biyernes ng gabi, sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Wala kasing nakakuha sa P269 milyon na jackpot sa draw noong Martes ng gabi, na may winning combination na 08-03-21-51-07-58.

Gayunpaman, nasa 24 mananaya ang nakahula ng limang winning number na nanalo ng P120,000 bawat isa, habang nasa 1,370 ang nakakuha ng P2,000 bawat isa para sa apat na tamang digit.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay ibinobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo. RNT