Ultra Lotto 6/58 jackpot prize pumalo na sa P375M — PCSO

Ultra Lotto 6/58 jackpot prize pumalo na sa P375M — PCSO

November 26, 2021 @ 2:23 PM 2 days ago


Manila, Philippines – Pumalo na sa P375 milyon ang tatamaan sa Ultra Lotto 6/58, batay sa ulat.

Sa kalatas, sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na hindi pa rin ito nakukuha.

Sa bola noong Nobyembre 23, bigo ang mga mananaya na masungkit ang six-digit combination na 58-19-35-46-30-10 na may jackpot na P360,984,981.

Samantala, nananatili naman sa P46 milyon ang jackpot sa Mega Lotto 6/45. RNT/FGDC