Ultra Lotto jackpot papalo na sa P345M!

Ultra Lotto jackpot papalo na sa P345M!

December 6, 2022 @ 7:08 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaasahang tataas pa ang Ultra Lotto 6/58 jackpot prize sa P345 milyon sa susunod na draw nito sa Martes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes.

Wala kasing nanalo mula sa draw noong Linggo na may winning combination na 06-49-58-35-36-31 na may jackpot prize na P333.9 milyon.

Gayunpaman, mayroong pitong second-prize winner na muntik nang maka-jackpot, tama ang hula ng lima sa six-digit winning combination dahil nanalo sila ng premyong P120,000 bawat isa habang 933 ay makakakuha ng P2,000 bawat isa para sa apat na tamang digit, at 24,432 ay magbabayad ng PHP100 bawat isa para sa tatlong tamang digit.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay ibinobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo. RNT