Ultra, Mega Lotto jackpots ‘di pa rin napanalunan!

Ultra, Mega Lotto jackpots ‘di pa rin napanalunan!

February 12, 2023 @ 9:46 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Walang nanalo ng jackpot para sa Ultra Lotto 6/58 at Mega Lotto 6/45 sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Biyernes, Peb. 10.

Ang winning combination para sa Ultra Lotto ay 39 – 23 – 29 – 24 – 47 – 30 para sa jackpot prize na nagkakahalaga ng P49,500,000.

Sa kabila nito, nasa walong bettor ang nanalo sa pangalawang premyo na nagkakahalaga ng P120,000 at 479 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P2,000.

Ang Ultra Lotto ay ibinubola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo sa ganap na 9 p.m.

Samantala, ang masuwerteng numero para sa Mega Lotto ay 43 – 38 – 29 – 09 – 20 – 06 para sa grand prize na nagkakahalaga ng P17,906,675.80.

Labing pitong mananaya ang nakakuha ng ikalawang gantimpala na nagkakahalaga ng P32,000 at 1,096 na manlalaro ang nanalo sa ikatlong gantimpala na nagkakahalaga ng P1,000.

Ang Mega Lotto ay ibinunot tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 9 p.m. RNT