Umano’y mastermind sa Bacoor jailbreak, timbog dahil sa syota

Umano’y mastermind sa Bacoor jailbreak, timbog dahil sa syota

July 31, 2018 @ 2:17 PM 5 years ago


Cavite – Naaresto na ng mga awtoridad ang itinuturong mastermind sa nangyaring jailbreak sa Bacoor City Custodial Center noong Biyernes.

Timbog si Jene Lloyd Bernabe ng Bacoor Police Tracker Team matapos na sundan ang kanyang girlfriend sa meeting place nila malapit sa simbahan ng Baclaran.

Todo-tanggi naman si Bernabe na humaharap sa kasong abduction at rape na siya ang namuno sa pagtakas ng mahigit 20 preso sa jaul facility.

“Hindi po totoo ‘yun, sir,” aniya. “Balak ko na po talagang sumuko.”

Sa ngayon ay nasa 15 na ang naibalik sa mga pumugang preso habang nasa 8 pa ang hinahanap. (Remate News Team)