Umano’y mastermind sa pamamaslang kay Mayor Bote, ipinakilala na

Umano’y mastermind sa pamamaslang kay Mayor Bote, ipinakilala na

July 16, 2018 @ 2:59 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Ipinakilala na ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y mastermind sa pamamaslang kay Mayor Ferdinand Bote ng General Tinio, Nueva Ecija.

Sa iprinisintang diagram ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, itinuturo nito ang isang Christian Saquilabon na siya umanong utak ng krimen.

Ayon kay Police Regional Office 3 director Chief Superintendent Amador Corpus, walo ang tinitingnan nilang mga suspek sa pagpatay sa alkalde.

Matatandaang naaresto na ang mga umano’y gunman na sina Florencio Suarez at Robertlyn Gumatay habang isang Arnold Gamboa naman ang sumuko sa mga awtoridad.

Pinaghahanap pa sa ngayon si Saquilabon, isang Jun Fajardo at dalawang iba pa.

Una nang sinabi ni PNP chief na mismong si Gumatay ang umamin sa krimen.

Si Bote ay nasa sasakyan nito ng paulanan ng bala noong July 3 sa labas ng National Irrigation Administration sa Cabanatuan City.

Nangyari ito isang araw matapos ang pagkamatay ni Tanauan City Mayor Antonio Halili. (Remate News Team)