Umano’y militarisasyon sa gabinete, pinalagan ni Lorenzana

Umano’y militarisasyon sa gabinete, pinalagan ni Lorenzana

October 10, 2018 @ 1:57 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Tinawag na bullsh*t ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang alegasyon ni dating Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo na nagkakaroon umano ng militarisasyon sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Why are they complaining now? Militarization? Bullsh_t! Lahat tayo meron tayong chance na magserbisyo sa ating gobyerno,” pahayag ni Lorenzana matapos kwestyunin ni Taguiwalo ang pagtalaga kay Army chief Lieutenant General Rolando Bautista bilang bagong DSWD secretary oras na magretiro sa kanyang military service sa Oktubre 15.

 “Everybody should have the chance to serve their government, whether you are military or not. Why are they singling out the military? Wala ba kaming karapatang magsilbi sa gobyerno? Are we not capable?” dagdag pa ni Lorenzana sa isang panayam

Pinaliwanag din ni Lorenzana na ipinakita na ni General Bautista kung bakit siya karapat-dapat sa loob ng 56 taong serbisyo nito sa bansa.

“Bigyan niyo lang ng chance because they were were given a chance also, we did not complain. Prior to offering him the DSWD chief post, President Duterte offered Bautista the post of National Food Authority (NFA) administrator amid the ongoing shortage of NFA rice which has hiked rice prices,” dagdag pa nito. (Remate News Team)