Umanoy shabu pusher, binaril, patay

Umanoy shabu pusher, binaril, patay

June 20, 2018 @ 8:05 AM 4 years ago


Riza – Patay ang isa umanong tulak ng ilegal na droga matapos itong barilin ng hindi pa matukoy na salarin sa Cainta, Rizal kagabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Mission Hospital sa Pasig City ang biktima na si Eduardo Bociron, 37, ng Barangay Sta. Lucia, Pasig City, bunsod ng isang tama ng bala ng baril sa kanyang ulo.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nakatayo lamang ang biktima sa bahagi ng Dulong Parola Street, Barangay San Andres ng lapitan sya ng isang armadong lalaki at mabilis na binaril sa ulo.

Matapos ang pamamaril ay casual lamang na naglakad palayo ang suspek patungo sa hindi na nabatid na lugar.

Nabatid sa report na ang biktima ay itinuturong sangkot sa pagtutulak ng shabu sa Pasig at Cainta na kamakailan lamang ay nakalaya sa pagkakakulong nito dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 nang magpiyansa ito.

Onsehan sa droga ang isa sa mga sinisilip na motibo ng pulisya sa krimen. (Jeff Gallos)