Umawat sa nagwawala 4 na beses sinaksak

Umawat sa nagwawala 4 na beses sinaksak

October 29, 2022 @ 7:50 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isang lalaki ang dinakip matapos saksakin ang kanyang kapitbahay nang magtalo dahil sa nakabalagbag na bisikleta sa daraaanan ng suspek sa Valenzuela City.

Sinakote si Marc Ale B. Canuto, 29, habang itinakbo sa Valenzuela Emergency Hospital at inilipat sa Valenzuela Medical Center kung saan siya nananatiling nakaratay ang biktimang si Jayrald Cabrera, 38.

Naganap ang insidente umaga ng Oktubre 27 sa Dela Cruz, Dulong Tangke, Malinta, ng lungsod, kung saan nagwawala umano si Canuto dahil may nakaharang na bisikleta sa daanan niya, at nang tangkaing payapain ni Cabrera ay dito na ito sinaksak ng suspek ng apat na beses sa tiyan.

Itinakbo sa ospital ang biktima, habang tumawag ng pulis ang mga kalugar nito na nagresulta sa pagkadakip sa suspek at pagkumpiska sa ginamit niyang kutsilyo sa krimen. Merly Iral