UMEPAL NA NAMAN SI BOY TONYO!

UMEPAL NA NAMAN SI BOY TONYO!

December 10, 2022 @ 10:49 AM 2 months ago


HINDI pa nakakalimutan ng madlang pipol ang pagkakalat ni Undersecretary Boy Tonyo sa Senado pero eto at nagsasabog na naman siya ng lagim sa Department of Labor and Employment.

Napabalita kamakailan na muling umepal at nagpakitang-gilas si Boy Tonyo at, sa pagkakataong ito, pinaaatras niya ang ratipikasyon ng International Labor Organization Convention 81.

Sa ilalim ng ILO Convention 81, mandato ng mga miyembrong estado ang pagkakaroon ng sistema upang masiguro ang proteksiyon ng mga manggagawa habang sila ay nagtatrabaho.

Inaprubahan ni  dating Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang convention nitong Hunyo ng kasalukuyang taon at ikinatuwa ito ng  pro-labor advocates sa loob at labas ng bansa.

Ang pagratipika ng Pilipinas sa ILO Convention 81 ay isa mga mahahalagang pamana ni Duterte para sa mga Pilipino partikular sa mga manggagawa.

Inihahanda na ng Pilipinas ang pagsumite sa ILO ng mga dokumento para sa pagratipika ng Pilipinas sa Convention 81 nang pigilan ito ni Boy Tonyo.

Dahil dito, malalagay sa matinding kahihiyan ang Pilipinas sa global community. Lalabas kasi na urong -sulong ang ating bansa.

Maiinsulto rin ang dating puno ng bansa sa ginawa ni Boy Tonyo dahil mababalewala ang pag-apruba ng dating presidente sa Convention 81.

Ang masama, pagsasabungin pa yata ni Boy Tonyo sina Pangulong Bongbong Marcos at Duterte kung lalabas na may basbas ng kasalukuyang pangulo ang pag-atras ng ratipikasyon ng naturang convention.

Hay naku Boy Tonyo, tigilan mo na nga ang pagpapel mo na may alam ka! Hindi mo nga ginagamit ang utak mo para mag-esep-esep. Bigyan mo nga ng oras ang trabaho mo at hindi yung puro ka daldal wala namang katuturan.