UMINOM NG MARAMING TUBIG AT MADALAS MALIGO SA PANAHON NG TAG-INIT

UMINOM NG MARAMING TUBIG AT MADALAS MALIGO SA PANAHON NG TAG-INIT

March 1, 2023 @ 1:34 PM 4 weeks ago


INAASAHAN na sa pagsisimula ng buwan ng Marso ay ide-deklara na rin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang pagsi-simula ng summer season o panahon ng tag-init sa bansa.

Ayon kay Dr. Sevillo David, Jr. Executive Director ng Na-tional Water Resources Board o NWRB, kailangang simulan ang pagtitipid sa paggamit ng tubig lalo na magsisimula pa la-mang ang panahon ng tag-init.

Mula alas-onse ng tanghali hanggang pasado alas-tres ng hapon ay talaga namang damang-dama natin ang panahon ng tag-init sa ating bansa.

Kung titignan natin ang ulat ng PAGASA inilabas noong ika-21 ng Pebrero (6:00AM), bumaba na sa 211.06 meters ang le-vel ng tubig sa Angat Dam. Maituturing mataas parin ang lebel ng tubig sa Angat Dam dahil ang Minimum Operating Water Level (MOWL) ng Angat dam ay nasa 180 meters.

Ang mahalaga sa panahon ng tag-init ang pag-inom ng sa-pat na tubig araw-araw upang mapanatili nating malusog at malakas ang ating katawan lalo na ngayon.

Kung akala ng marami ay sa mga “ber months” lamang dumarami ang tinatamaan ng karamdaman dulot ng malamig na panahon, aba, marami rin ang nagkakaroon ng mga sumu-sunod na sakit sa panahon ng tag-init, kabilang ang mga sakit na Asthma attack; Chickenpox; Influenza; Food poisoning; Measles; Mumps; Rabies; Skin conditions; Conjunctivitis o sore eyes; at Hyperthermia o over heating body.

 Kapag ganitong lubhang mainit ang panahon, mula tatlo hanggang limang beses naliligo ang maraming Filipino. Pero ang tanong ng marami, sasapat pa ba ang tubig sa Metro Ma-nila ngayong nasa buwan ng Pebrero pa lamang tayo at muk-hang matagal pa papasok ang tag-ulan?

Huwag tayong mag-aalala dahil kahit higit dalawang beses tayong maligo sa isang araw, ang pagtitiyak ni  Dr. Sevillo D. David Jr., Executive Director ng National Water Resources Board o NWRB ay sapat ang tubig hanggang sa dumating ang tag-ulan.