UN: Climate pledges napakalayo pa rin sa 1.5C

UN: Climate pledges napakalayo pa rin sa 1.5C

October 27, 2022 @ 8:37 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Lubhang napakalayo pa bago maabot ang mga International climate pledge sa paglilimita sa temperatura sa 1.5 degrees Celsius, ayon sa isang ulat na inilabas ng United Nations.

Matatandaang lumagda ang nasa 190 mga bansa sa 2015 Paris climate deal nanaglagay sa Earth sa g 2.5C (36 degrees Fahrenheit) warming level kumpara sa mga antas bago ang industriya sa pagtatapos ng siglo.

Giit ng mga eksperto na sa kabila ng nararanasang mga sakuna sa kalamidad, hindi pa rin umaaksyon ang mga nasyon para sa malakihang mapigilan ang greenhouse gas emissions.

“We are still nowhere near the scale and pace of emission reductions required to put us on track toward a 1.5 degrees Celsius world,” ani  Simon Stiell, Executive Secretary of UN Climate Change.

“To keep this goal alive, national governments need to strengthen their climate action plans now and implement them in the next eight years.”

Sinabi ng mga eksperto sa klima ng UN na ang mga emisyon — kumpara sa mga antas noong 2010 — ay kailangang bumaba ng 45% pagsapit ng 2030 upang matugunan ang mas ambisyosong layunin ng kasunduan sa Paris.

Sa pinakahuling ulat nito, sinabi ng UN na ang kasalukuyang mga pangako mula sa mga gobyerno sa buong mundo ay sa katunayan ay magtataas ng mga emisyon ng 10.6% sa 2030. RNT