UN, EU dismayado sa resulta ng COP27

UN, EU dismayado sa resulta ng COP27

November 21, 2022 @ 8:38 AM 2 weeks ago


SHARM EL-SHEIKH, Egypt – Inihayag ng UN at European Union nitong Linggo ang pagkadismaya sa pinal na deklarasyon ng UN Climate Change Conference o COP27 sa pagbabawas ng emissions.

“Our planet is still in the emergency room. We need to drastically reduce emissions now, and this is an issue this COP did not address,” giit ni UN Secretary-General Antonio Guterres.

Inilarawan nita ang mga desisyon sa COP27, na ginanap sa Egypt, bilang hindi sapat upang bawasan ang emissions.

Samantala, sinabi ni European Commission’s Vice President, Frans Timmermans, na ang kinalabasan ng climate change conference ay hindi sapat na hakbang sa pagtapyas sa emissions.

“It does not bring enough added efforts for major emitters to increase and accelerate their emissions cuts,” pahayag ni Timmermans.

Ini-adopt ng mga bansa na dumalo sa COP27 sa Egypt’s Red Sea city ng Sharm el-Sheikh nitong Linggo ang final agreement na nagtatatag ng pondo para tulungan ang mahihirap na bansa na makayanan ang mga kalamidad dulot ng global warming.

Subalit iginiit ng mga kritiko na hindi sapat ang kasunduan upang talakayin ang emissions na mitsa ng global warming. RNT/SA