UN: Global youth unemployment rate bubulusok sa 73M

UN: Global youth unemployment rate bubulusok sa 73M

August 12, 2022 @ 1:55 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ang bilang ng mga kabataang walang trabaho sa buong mundo ay nakatakdang bumaba sa 73 milyon sa 2022, ayon sa United Nations.

Ang nasabing bilang ay nagpapakita ng bahagyang pag-unlad mula noong nakaraang taon sa kasagsagan ng pandemya. pero ito ay mas mataas pa rin sa youth unemployment rate sa buong mundo bago ang COVID-19.

Nagpapahayag ito na ang mga kabataan ay labis na nasapul ng pandemya hindi lang pagdating sa kalusugan kundi na rin pagdating sa paghahanap ng trabaho.

Nauna nang sinabi ng International Labor Organization, isang ahensya ng United Nations, na ang bilang ng mga indibidwal, edad 15 hanggang 24, na walang trabaho ay inaasahang bababa sa dalawang milyon o 73 milyon na lamang mula 2021 hanggang 2022.

Hindi naman ito maituturing na napakagandang balita dahil ang mas mataas pa rin ito ng anim ng milyon kumpara sa bilang ng walang trabaho sa parehong age group, bago ang pandemya.

“The COVID-19 crisis has revealed a number of shortcomings in the way the needs of young people are addressed, especially the more vulnerable such as first-time job-seekers, school dropouts, fresh graduates with little experience and those who remain inactive not by choice,” ani Martha Newton, ang ILO’s deputy director-general for policy.

“What young people need most is well-functioning labor markets with decent job opportunities for those already participating in the labor market, along with quality education and training opportunities for those yet to enter it.”

Ang mga kabataang babae ay halos 1.5 beses na mas mababa ang posibilidad na walang trabaho kaysa sa mga lalaki, base sa ulat kung saan 27.4% ng mga kababaihan sa buong mundo na inaasahang magtrabaho sa 2022 kumpara sa 40.3% ng mga kabataang lalaki.

Ang gender gap na ito ay mas posibleng mangyari sa mga low income earners na bansa.

Sa kabilang banda, nakatakda namang magbunga ng mas maraming trabaho para sa mga kabataan ang tinatawag na green and blue economies, na nakasentro sa kapaligiran at sustainable ocean resources.

Sinabi ng pag-aaral na ang karagdagang 8.4 milyong trabaho ay maaaring malikha para sa mga kabataan sa 2030 sa pamamagitan ng green at blue economy investment, lalo na sa malinis at nababagong enerhiya, sustainebale agriculture, pag-recycle at pamamahala ng basura. RNT