UN human rights experts sa PH gov’t: Abortion, divorce gawing legal

UN human rights experts sa PH gov’t: Abortion, divorce gawing legal

November 7, 2022 @ 10:28 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang United Nations Human Rights Committee csa pamahalaan ng Pilipinas, ang pinakamalaking Catholic country sa Asya, na gawing legal ang abortion at diborsyo.

Sa concluding observation nito sa 136th session kamakailan, inihayag ng panel na ang kriminalisasyon ng abortion sa bansa “leads women to seek out clandestine abortion services that endanger their lives and health.”

Ipinagbabawal sa Pilipinas ang abortion sa ilalim ng Revised Penal Code.

Iginiit ng UNHRC na matitiyak sa dekriminalisasyon ng abortion ang “safe, legal and effective access to abortion where the life and health of the pregnant woman or girl is at risk, or where carrying a pregnancy to term would cause the pregnant woman or girl substantial pain or suffering, most notably where the pregnancy is the result of rape or incest or where the pregnancy is not viable.”

Inirerekomenda rin ng komite sa national government na palakasin ang sexual at reproduction healthcare services, kabilang ang post-abortion care. Hinikayat din nito ang implementasyon ng comprehensive sexual education upang maiwasan ang unwanted pregnancies.

Batay sa Philippine Safe Abortion Advocacy Network, 1.26 milyong kababaihan sa bansa ang nagpa-abprt noong 2022 at kabilang sa kanila ang mga mahihirap, 25-anyos, o rape victims.

Samantala, itinutulak din ng UNHRC na gawing legal ang diborsyon sa Pilipinas upang protektahan ang mga kababaihan mula sa domestic violence.

“While noting the bills aimed at legalizing divorce, the Committee reiterates its previous concern that the lack of legislation providing for divorce may compel victims of domestic violence to remain in violent relationships,” saad sa ulat ng komite.

Bukod sa Vatican City, ang Pilipinas ang natatanging bansa sa mundo kung saan ilegal ang diborsyo. Inaabot ng apat na taon ang annulment sa bansa.

Sa 18th Congress, inaprubahan ng Kamara sa huling pagbasa ang Absolute Divorce Bill. Subalit, hindi nakalusot sa Senado ang kaparehong panukala.

Nauna nang kinondena ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Public Affairs Committee, ang muling pagsusulong ng legalization ng divorce sa bansa, at iginiit na mas maraming malalaking isyu na dapat solusyunan ang mga mambabatas.RNT/SA