UN sa Russia: Pagsalakay sa Ukraine itigil!

UN sa Russia: Pagsalakay sa Ukraine itigil!

March 3, 2022 @ 5:20 PM 4 months ago


UNITE NATIONS – Nagdesisyon ang higit na nakararaming bansa sa espesyal session ng United Nations General Assembly na patigilin at paalisin ang Russia sa Ukraine na unang sinalakay nito nang mahigit nang isang linggo.

Sa 193 miyembro, 141 ang pumabor sa desisyon laban sa Russia, kasama ng Pilipinas, habang 35 ang nag-abstain at lima naman ang bumoto ng kontra, kabilang na ang Russia, Belarus at Syria.

Pinagunahah ang special session ng UN Security Council na binubuo ng 15 bansa, kabilang na ang Russia, United States, France, Germany at United Kingdom bilang mga permanent member.

Hindi man maoobliga ang UN na kumilos laban sa Russia, may pampulitikang epekto ito sa huli at kabilang dito ang pagkahiwalay ng Russia sa nakararaming bansa.

Sa ngayon, mabangis ang labanan na ikinamay na umano ng ilang libong sundalong Ruso at daan-daang sibilyan at sundalong Ukrainian.

Marami rin ang mga nasisirang ari-arian sa Ukraine pangunahin dahil sa pagpapakawala ng missile at bomba ng Russia at kabilang dito ang mga imbakan ng langis, tubig, tahanan ng mga sibilyan, imprastraktura  at gusaling pamahalaan at gusaling pang-media.

Nagkakaroon na ng mga pag-uusap pangkapayapaan subalit wala pa itong ibinubunga para sa ikatitigil ng digmaan at patuloy na paglusob ng Russia sa Ukraine. RNT