UN, suportado ang pagpasa ng BOL

UN, suportado ang pagpasa ng BOL

July 28, 2018 @ 3:30 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng United Nations ang pagkakapasa ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Pilipinas at nangakong susuportahan nila ang implementasyon nito.

Ang nasabing batas ay isa sa mga requirement na nakasaad sa ilalim ng peace agreement ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“The United Nations will continue to support the Philippines in the implementation of the law, and to help build the capacity of the Bangsamoro Transition Authority as an effective conduit for peace, democratic governance, and human rights,” pahayag ni Spokesman for the UN Secretary-General Stephane Dujarric.

Pinirmahan  na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang BOL noong Huwebes bilang pagtalima sa napagkasunduan noong 2014. (Remate News Team)