Una sa kasaysayan: Halalan sa Sulu naging mapayapa

Una sa kasaysayan: Halalan sa Sulu naging mapayapa

May 11, 2022 @ 10:26 AM 2 months ago


SULU – Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan, naging mapayapa ang halalan sa lalawigan ng Sulu maliban sa dalawang naitalang insidente ng pananakit, sinabi ng isang opisyal ng militar nitong Martes, Mayo 10.

Nangyari ito matapos na ang karamihan sa mga pangunahing elective posts, maliban sa lima sa 19 na munisipalidad, ay ‘uncontested’ para sa May 9 national at local elections.

Kasama sa limang bayan na hotly-contested ay kinabibilangan ng Panguntaran, na may anim na kandidato para sa alkalde at tatlo para sa bise alkalde; Lugus, limang mayoral bets at tatlo para sa vice mayor; Omar, apat na mayoral aspirants at anim para sa vice mayor; Parang, tatlong kandidato sa pagka-alkalde at dalawa sa pagka-bise alkalde; at Patikul, dalawang kandidato sa pagka-alkalde at dalawa sa pagka-bise alkalde.

Sinabi ni Col. Alaric Avelino Delos Santos, Joint Task Force (JTF)-Sulu information officer, na isa sa dalawang insidente ng pananakit ay sangkot ang isang poll watcher na kinilalang sina Alhasil Asani, 29; at Maay Sahilun, electoral board chairperson sa Barangay Simbahan, Pangutaran.

Si Asani, isang poll watcher ni incumbent Pangutaran Vice Mayor Radzmin Nanoh, ay sinuntok umano si Sahilun bandang 7:40 ng umaga noong Lunes dahil sa hindi pagkakasundo sa isang botante na hindi tumpak na boto.

Sinabi ni Delos Santos na agad na namagitan ang tropa ng 20th Special Forces Company (20SFC) upang pigilan ang sitwasyon.

Dagdag pa ni Delos Santos na ang pangalawang insidente ng pananakit ay nangyari bandang alas-9 ng umaga noong Lunes sa Mundjun Elementary School sa Barangay Anuling, bayan ng Patikul.

Aniya, binaril umano ng dalawang tagasuporta ni incumbent Patikul Mayor Kabir Hayudini si Sherhamir Nunie, 32, isang supporter ng mayoral aspirant na si Jing Schuck sa loob ng isang voting center.

“The troops responded quickly and successfully quelled the incident, which did not affect the flow of elections in the area,” aniya pa. RNT