Unang 100 araw ni PBBM aprub kay House Speaker Romualdez

Unang 100 araw ni PBBM aprub kay House Speaker Romualdez

October 6, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mataas na grado ang ibinigay ni House Speaker Romualdez sa unang 100 araw ng Marcos administration.

Isa sa pangunahing achievement na tinukoy ni Romualdez ay ang 2023 national budget na mabilis na naipasa sa Kamara, aniya, angpanukalang budget at tutugon sa pangangailangan at mga problema ng bansa.

“I think the President has done great things in the government, particularly in his Cabinet. And his policies are very clear. On the part of the House of Representatives, we affirmed his fiscal framework. We passed his budget on third reading so we’re well on our way. That’s the most important piece of legislation. That’s the national budget for 2023, so my assessment is that he’s done a great job,” pahayag ni Romualdez.

Pinuri din ni Romualdez ang mga biyahe ni Pangulong Bongbong Marcos sa Indonesia, Singapore at Amerika na nakatutulong para makahikayat ng kinakailangang foreign investments ang bansa at lalong nagpatatag ng bilateral at diplomatic relations.

“He has also done a wonderful job in engaging our friends in the international community whereby foreign direct investments would be coming. And in fact, his recent trips from Indonesia, Singapore, and the United States – among our top trading partners, Singapore being the number one source of foreign direct investments we have seen so much enthusiasm and they welcome his presidency and his administration,” ani Romualdez.

Aniya, nasa $14.36 bilyon ang inaasahang investment pledges na nakuha ni Pangulong Marcos nang bumisita ito sa nasabing mga bansa. Gail aMendoza