Unang anibersaryo ng pagpanaw ni PNoy, inalala

Unang anibersaryo ng pagpanaw ni PNoy, inalala

June 24, 2022 @ 3:15 PM 5 days ago


MANILA, Philippines- Nagsagawa ng isang Misa nitong Biyernes upang gunitain ang unang anibersaryo ng kamatayan ni former President Benigno “Noynoy”  Aquino III, kung saan inalala siya bilang isang “competent leader”.

Ang Misa na pinangunahan ni Ateneo President Fr. Bobby Yap ay isinagawa sa Church of Gesu sa loob ng Ateneo de Manila University sa Quezon City.

“He was a president who led our nation with competence, conscience, compassion and commitment to bring a marked change on the lives of the millions of people,” sabi ni Yap.

Ayon pa kay Yap, isinabuhay ni Aquino ang motto ng Ateneo na pagiging  “man for others” at ang malaking suporta sa Benigno Simeon Aquino III Scholarship Endowment initiative na itinalaga pagkamatay ng dating presidente ay patunay ng uri ng kanyang pampublikong serbisyo.

“The fund has raised P50 million today. It will allow students outside NCR (National Capital Region) to study here in the Ateneo,” ani Yap.

Inihayag naman ni Ballsy Aquino-Cruz, panganay na kapatid ng dating presidente, ang pasasalamat niya sa mga dating kamag-aral ni Noynoy sa Ateneo, sa pag-organisa ng Misa, maging ang mga dumalo sa pagtitipon.

“Kayo ang tunay na mga kaibigan. Wala pang naimmbentong pang-uri para maisalarawan sa inyo ang galak ng aming mga puso sa pakikiisa niyo sa amin ng araw na ito,” sabi ni Ballsy.

“May I ask you to join me in considering what he said: That the Filipino is really worth fighting, that the Filipino will rise to the ocassion, and this will happen in His time. Keep the faith,” dagdag pa niya.

Kabilang sa mga dumalo sa Misa ang kapatid ni Aquino na si Pinky, Vice President Leni Robredo, Liberal Party members Senators Franklin Drilon and Francis “Kiko” Pangilinan, former Interior Secretary Mar Roxas, former presidential spokesperson Edwin Lacierda at kanyang deputy na si Abigal Valte, former Bureau of Internal Revenue Chief Kim Henares, at ang matagal nang staff ng pamilya Aquino na si Yolly Yebes.

Taong 2021 nang pumanaw si Aquino, na namuno sa bansa noong 2010 hanggang 2016, sa kanyang tahanan sa Times Street dahil sa  renal disease secondary to diabetes. Siya ang nag-iisang anak na lalaki nina late senator Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. at ni late President Corazon Aquino. RNT/SA