Unang araw ng kampanya naging payapa – PNP

Unang araw ng kampanya naging payapa – PNP

March 28, 2022 @ 9:12 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Sabado na naging payapa ang unang araw ng campaign period para sa local elections noong Biyernes, at wala rin umanong naitalang malaking insidente sa bansa.

Ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, ito ay base sa mga isinumiteng ulat ng regional police commanders sa pamamagitan sa pamamagitan ng PNP Command Center sa headquarters nito sa Camp Crame, Quezon City.

“The local campaign period started on a generally peaceful and orderly mode on Friday. We hope that this favorable condition will hold for the succeeding days of the campaign period until the last day of the local campaign on May 7, or two days before the 2022 National and Local Elections on May 9,” pahayag ni Carlos.

Nangampanya ang mga kandidato para sa halos 18,000 lokal na posisyon sa pagsisimula ng 45 araw na kampanya nitong Biyernes para sa local elections.

Nauna nang sabihin ni Interior Secretary Eduardo Año na magtatalaga pa ng mas maraming uniformed personnel sa 40 hanggang 50 lugar sa buong bansa para sa halalan. RNT/SA