Unang araw ng Simbang Gabi sa Quiapo Church, mapayapa

Unang araw ng Simbang Gabi sa Quiapo Church, mapayapa

December 16, 2022 @ 12:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naging maayos at matagumpay ang pagdaraos ng unang Simbang Gabi sa Quiapo Church na dinagsa rin ng mga deboto dahil nataon din ng Biyernes ngayong araw, Disyembre 16.

Ayon sa pamunuan ng Simbahan, patuloy pa rin susunduin ang health protocols kung saan sa unang araw ng Simbang Gabi ay nagawa pa rin ng mga mananampalataya na ipatupad sa loob at labas.

Sa tulong na rin ito ng mga inilagay na mga marka kung saan dapat lamang na nakatayo o nakaupo ang mga magsisimba.

Ayon pa sa Social Communications ng Quiapo Church, nakasuot pa rin ng face mask ang mga magsisimba gayundin ang physical distancing ay kanila namang simusunod.

Sa kabila ng maayos at mapayapang unang araw ng Simbang Gabi sa lungsod ng Maynila, mahigpit pa ring nagpaalala si Manila Police District PBrig/Gen.Andre Dizon na mag-ingat sa mga posibleng manamantala sa siksikan at dagsa ng mga tao sa lugar.

Dahil dito, paalala niya ni Dizon na dapat ay maging alerto kung pupunta sa mga crowded area.

Huwag na rin aniyang magdala ng anumang mamahaling gamit na hindi naman kailangan.

Pero kahit ano pa man aniya ang mangyari ay laging nakahanda ang buong pwersa ng MPD para umasiste sa anumang sitwasyon.

Maari din aniyang mag message o mag-video at isend sa Facebook page ng MPD para maiparating sa kanila ang sumbong ng publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden