Unang babaeng pinuno ng NTA, itinalaga ni PBBM

Unang babaeng pinuno ng NTA, itinalaga ni PBBM

December 26, 2022 @ 9:06 AM 1 month ago


VIGAN CITY – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang Certified Public Accountant para mamuno sa National Tobacco Administration (NTA).

Nanumpa si Belinda S. Sanchez at pinalitan si Robert Victor G. Seares Jr. sa simpleng seremonya sa NTA Central Office sa Quezon City kamakailan.

Inihalal ng NTA Governing Board at kinumpirma ang appointment ng unang lady administrator at chief executive officer (CEO) ng ahensya.

Si Sanchez ay isang young achiever sa corporate arena at seasoned Certified Public Accountant (CPA), na eksperto rin sa analytical at cash flow planning at management.

Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Accountancy sa University of Santo Tomas sa Sampaloc, Manila.

Ang kanyang ama na si Benjamin Sarmiento, ay dating miyembro ng NTA Governing Board, farmer leader, at dating alkalde ng San Juan, Ilocos Sur.

Nangako siya na ipagpapatuloy ng regulatory agency na isakatuparan ang mandato nito na pagbutihin ang living condition at itaas ang kalidad ng buhay ng tobacco farmers. RNT/SA