Unang batch ng COVID vax para sa edad 5-11 darating sa Enero 31- Galvez

Unang batch ng COVID vax para sa edad 5-11 darating sa Enero 31- Galvez

January 21, 2022 @ 4:20 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. nitong Biyernes na ang unang batch ng coronavirus disease (COVID-19) Pfizer vaccines na nakalaan para sa edad lima hanggang 11 ay darating sa pagtatapos ng buwan.

Halos 1.2 milyong bakuna ang darating sa Enero 31, kung saan 780,000 ang ilalaan para sa mga bata, ayon sa secretary.

“[A]ng ating programa sa national vaccination, nakita natin we started slow dahil kasi nagkaroon ng problema sa ating global supply,” ani Galvez.

“We were able to procure more than enough for our healthcare workers, for our seniors, for our people, and even for our children,” pagbibigay-diin pa niya.

Base sa opisyal, plano ng pamahalaan na bakunahan ang naturang age group sa unang linggo ng Pebrero.

Inanunsyo rin niya na darating ang ikalawang batch ng mga bakuna sa Pebrero 7 na tinatayang nasa 1.6 milyon. RNT/SA