Unang cabinet meeting ng Marcos admin ‘di pa inaanunsyo ng Malakanyang

Unang cabinet meeting ng Marcos admin ‘di pa inaanunsyo ng Malakanyang

July 4, 2022 @ 3:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Wala pa ring anunsyo ang Malakanyang kung kailan ang unang Cabinet meeting  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Cruz-Angeles bagama’t wala pang official announcement sa kung kailan idaraos ang unang cabinet meeting ni Pangulong Marcos ay  binigyan naman ng  pagkakataon ang mga Kalihim na magsagawa ng assessments.

 “We have no official announcement yet as to when the first Cabinet meeting is going to be held,” ayon  kay Sec. Angeles sa kanyang press briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang.

“But the secretaries are given the opportunity, those who have been appointed, to make the assessments. These will all be taken into consideration,” dagdag na pahayag nito.

Ikinumpara  kasi ng mga netizens si Pangulong Marcos kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte  kung saan agad na nagsagawa ng kanyang unang Cabinet meeting sa kaparehong araw na nanumpa siya sa tungkulin noong Hunyo 30, 2016.

Maging ang namayapa at dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay kaagad ding nagsagawa ng kanyang unang Cabinet meeting noong unang araw nito bilang chief executive o noong Hunyo 30, 2010.

Samantala, nananatili namang “incomplete” ang gabinete ni Pangulong Marcos.

Sinabi ni Sec. Angeles na ang administrasyon ay nasa ”final evaluation stage” sa pagpili ng mga kandidato.

Ang mga bakanteng cabinet post ay ang Department of Health, Department of Energy, Department of Environment and Natural Resources, at Department of Human Settlements and Urban Development. Kris Jose