Unang Cabinet meeting ni PBBM kasado ngayong Martes

Unang Cabinet meeting ni PBBM kasado ngayong Martes

July 5, 2022 @ 9:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. iang una niyang Cabinet meeting sa Malacañang Palace limang araw makalipas ang kanyang inagurasyon.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo, nakatakdang umarangkada ang pagpupulong ng alas-9 ng umaga ngayong Martes.

“Ready for the first cabinet meeting. Gusto raw ni PBBM (President Bongbong Marcos) na maaga para madami kami magawa,” saad sa Facebook post ni Tulfo.

Ani Tulf, kinakailangang sumailalim ng mga dadalo sa antigen testing.

Dadalo rin si Vice President Sara Duterte, na nagsisilbing education secretary, sa naturang pagpupulong, ayon sa kanyang tagapagsalita na si Atty. Reynold Munsayac.

Samantala, wala pa ring itinatalagang kalihim oara sa Department of Health, Department of Energy, Department of Environment and Natural Resources, Department of Science and Technology, at Department of Human Settlements and Urban Development.

Sinabi ni press secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles nitong Lunes na nasa “final evaluation stage” na si Marcos sa pagkumpleto sa kanyang gabinete. RNT/SA