Unang certificate of canvass mula Malabon City natanggap na ng NBOC

Unang certificate of canvass mula Malabon City natanggap na ng NBOC

May 10, 2022 @ 7:05 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Natanggap na ng Commission on Elections (Comelec), na nagsisilbing National Board of Canvassers (NBOC), ang unang hard copy ng certificate of canvass mula sa Malabon City nitong Martes ng hapon.

Dinala ni Atty. Datumama Macaindig, chairperson ng Board of Canvassers (CBOC) sa Malabon City, ang dalawang ballot boxes na naglalaman ng certificate of canvass, statement of votes, at isang backup CD para sa Halalan 2022 results sa lungsod para sa mga senador at party-list groups.

Muling umarangkada ang sesyon nh NBOC nitong Martes, alas-1:17 ng hapon.

Subalit muli itong sinuspinde nh NBOC matapos walang matanggap na complete certificates of canvass.

Muling tatakbo ang canvassing ng NBOC ng alas-7 ng gabi. RNT/SA