Unang gold medal sa 2022 World Games hinablot ni Junna Tsukii

Unang gold medal sa 2022 World Games hinablot ni Junna Tsukii

July 9, 2022 @ 2:22 PM 1 month ago


MANILA, Philippines –Nasungkit  ni  Karateka Junna Tsukii ang unang gintong medalya ng bansa sa 2022 World ames matapos pagharian ang women’s under-50 kg kumite noong Sabado ng umaga (oras sa Pilipinas) sa Birmingham, USA.

Tinalo ng Filipino-Japanese karateka si Yorgelis Salazar ng Venezuela, 2-0, upang  angkinin ang pinakamataas na karangalan. Si Miho Miyahara ng Japan, samantala, ay nakasya a bronze.

“Ito ay isang gintong medalya para sa inyong lahat na patuloy na naniniwala sa akin  sa lahat ng sandali,” ani Tsukii  matapos ang paghahari sa kanyang kategorya.

Nagpadala ang Pilipinas ng kabuuang 10 atleta sa World Games, na inaasahang tatakbo hanggang Hulyo 17.

Kasama ni Tsukii sa delegasyon sina Carlo Biado at Rubilen Amit ng billiards, powerlifter Joyce Gail Reboton, jiu-jitsu champion Annie Ramirez, muay sensations na sina Philip Delarmino at Leeana Bade at duathlon top bets Marion Kim Mangrobang, John Chicano at Fernando Caseres.

“Ang aming mga atleta ay handa na para sa kumpetisyon at sana ay mapunta kami sa podium,” sabi ni chef de mission Pato Gregorio sa isang pahayag.JC