Unang gold ng PH sa Vietnam nasungkit ni Padios

Unang gold ng PH sa Vietnam nasungkit ni Padios

May 11, 2022 @ 12:19 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasungkit na ng Pilipinas ang unang gold medal sa pagsagupa nito sa Southeast Asian Games sa Vietnam.

Ito’y matapos magwagi si Francine Padios ng gold medal sa Pencak Silat Women’s Seni (Artistic) Tunggal Single event.

Agad namang pinuri ng chef-de-mission, Philippine Sports  Commission Ramon Fernandez ang atleta at sinabing napakatapang at husay nito sa laban.

Ayon kay Padios, ibinuhos niya ang kanyang husay para makapagbigay ng karangalang sa bansa.

Maraming medalya pa ang inaasahang iuuwi ng bansa sa pakikihamok nito para idepensa ang titulo sa SEA Games.RICO  NAVARRO