Unang jail-based drug rehab hub sa Pinas, pinasinayaan

Unang jail-based drug rehab hub sa Pinas, pinasinayaan

October 30, 2022 @ 4:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinasinayaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang Malaybalay City Jail Reformatory Center sa Bukidnon, pinakauna sa tatlong jail-based drug reformation centers na itinayo sa ilalim ng “Kanlungan sa Piitan” project ng BJMP at ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Pinasalamatan ni BJMP chief Jail Director Allan Iral ang DDB sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Catalino Cuy sa pagsuporta sa anti-drug reform programs ng BJMP partikular na ang probisyon ng pondo para sa reformation center.

“This will answer major concerns of the BJMP, especially in providing specialized care to the drug-affected sector of the PDL population,” pahayag ni Iral sa inagurasyon nitong Sabado.

Tiniyak din niya na patuloy na pagsisikapan ang pagpigil sa maging pagtugis sa purgng illegal substances sa BJMP-run jails.

Noong Dec. 17, 2019, pumasok ang BJMP at DDB sa memorandum of agreemensa pagtatatag ng drug rehabilitation facilities sa BJMP jails at pagpopondo rito upang maisakatuparan ang inisyatiba.

Halos dalawang taon ang makalipas, ipinalabas ng DDB ang Regulation No. 8, na nagbibigay-awtorisasyon sa BJMP na pagulungin ang jail-based drug reformation centers.

Nakumpelto ang konstruksyon ng Malaybalay City Jail-Annex Kanlungan sa Piitan noong Marso 12, 2021. Subalit, katatapos pa lamang gawin ng perimeter fence ngayong taon.

Itinalaga naman ang kabuuang 35 personnel na mangangasiwa sa Malaybalay City Jail Reformatory Center.

Batay sa datos ng BJMP Directorate for Operations, may kabuuang 90,062 PDL o 68.59 porsyento ng kabuuang 131,311 PDL population sa 477 BJMP facilities ang nahaharap sa drug-related charges.

Ipapasok sa “Kanlungan sa Piitan” ang mga PDL na inatasan ng korte na sumailalim sa anim na buwang drug rehabilitation bilang penalty.

“Through Kanlungan sa Piitan, we are hitting two birds with one stone. We are providing means of treatment as early as now, while they are in detention,” ani Iral. “We want to make the most of their time with us. So that when they join their families and communities, they are changed persons.”

Bukod sa Malaybalay City Jail Reformatory Center, dalawa pang BJMP reformatory centers ang itatayo. Isa ay sa Argao, Cebu na may 82 percent completion rate hanggang nitong Dec. 12, 2021, at ang isa ay sa San Pablo, Laguna.

“Alinsunod sa direktiba ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., tuloy tuloy po ang aming kampanya laban sa ilegal na droga at mas lalo pang palalawakin ang mga programang pangrehabilitasyon gaya ng reformatory centers na aming ipinatatayo,” ayon pa kay Iral. RNT/SA