Unang kaso ng ‘Omicron XE’ sa Thailand, naitala; DOH, nakikipagpulong na sa WHO

Unang kaso ng ‘Omicron XE’ sa Thailand, naitala; DOH, nakikipagpulong na sa WHO

April 4, 2022 @ 3:49 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nakikipag-usap ngayon ang Department of Health sa World Health Organization matapos na makapagtala ang Thailand ng una nitong kaso ng “Omicron XE,” isang variant ng SARS-CoV-2.

Ayon sa DOH, nagpapatuloy ang monitoring nila para matukoy kung maikakategorya ang nasabing variant bilang Omicron subvariant o isang bagong variant.

“The Department of Health (DOH) is in constant coordination with the World Health Organization (WHO) regarding the reported “”Omicron XE” detected in Bangkok, Thailand,” saad sa statement ng DOH.

“Observation and monitoring are still ongoing on whether the variant would be categorized as a sub-variant of Omicron or a new variant to be named by WHO should it display any significant change in characteristics,” dagdag niya.

Tiniyak naman ng ahensya na mahigpit din itong nagbabantay sa case trend, katuwang ang Philippine Genome Center, at nagsasagawa ng genomic surveillance activities sa gitna ng banta ng COVID-19 variants.

Patuloy ding ipinatutupad ng DOH ang four-door strategy para mapigilan ang pagpasok ng variant sa bansa.

Kasabay nito, umapela ang health department sa publiko na magpabakuna at magpa-booster na at manatiling sumunod sa minimum public health standards.

Batay sa pagtaya ng WHO, ang Omicron XE ay 10% mas nakahahawa kaysa sa BA.2.

Gayunman, iniimbestigahan pa kung gaano kalala o kalubha ang epekto nito sa tao. RNT/ JCM