Unang larawan ni Benedict XVI inilabas ng Vatican

Unang larawan ni Benedict XVI inilabas ng Vatican

January 2, 2023 @ 7:28 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinuri ni Pope Francis ang “minamahal” na si Benedict XVI sa kanyang New Year service habang inilabas ng Vatican ang mga unang larawan ng dating papa matapos ang kanyang kamatayan sa edad na 95.

Ipinakita sa larawan ang katawan ng German theologian sa isang catafalque sa kapilya ng monasteryo sa bakuran ng Vatican kung saan ginugol niya ang huling dekada ng kanyang buhay.

Nakasuot siya ng pulang damit na may gold-edged mitre sa kanyang ulo, may hawak na rosaryo habang nasa likod niya ang isang krusipiho, isang Christmas tree, mga kandila at isang belen.

Ngunit hindi siya nakasuot ng pallium, isang vestment na nakalaan para sa mga nakaupong papa.

Si Benedict ay namatay nang humina ang kanyang kalusugan.

Ililipat ang kanyang katawan Lunes ng umaga sa St. Peter’s Basilica, kung saan tatlong araw na maaring masilip ng publiko bago ang paghahatid sa kanyang huling hantungan sa Huwebes na pangangasiwaan ni Pope Francis.

“Today we entrust the beloved pope emeritus Benedict XVI to the most holy mother [the Virgin Mary], to accompany him in his passage from this world to God,” sabi ni Pope Francis sa isang misa para sa kapayapaan sa St Peter’s Basilica. Jocelyn Tabangcura-Domenden