Unang LEDAC sa ilalim ng Marcos admin pupulungin ni PBBM ngayong Lunes

Unang LEDAC sa ilalim ng Marcos admin pupulungin ni PBBM ngayong Lunes

October 10, 2022 @ 7:15 AM 6 months ago


MANILA, Philippines- Iko-convene ngayong araw ng Lunes, Oktubre 10 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang  kauna-unahang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Inaasahang tatalakayin ng  20-member council, sa pangunguna ni Pangulong Marcos ang kalagayan ng legislative agenda ng executive department na ipinresenta sa Chief Executive sa kanyang kauna-unang State-of-the-Nation Address (SONA) noong Hulyo.

Kabilang din sa konseho  ang Bise-Presidente, pitong miyembro ng Gabinete na itinalaga ng Pangulo, tatlong miyembro ng Senado na itinalaga ng Senate President,  tatlong miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na itinalaga ng Speaker of the House,  isang kinatawan mula sa local government units (LGUs),  isang kinatawan mula sa  youth sector at isang kinatawan mula sa pribadong sektor.

Inaasahan naman na pag-uusapan ang mga priority measures  gaya ng  National Government Rightsizing Program (NGRP); Budget Modernization Bill; Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) at Unified System of Separation, Retirement and Pension.

Sa kabilangd ako, inaasahan naman na kasama na pag-uusapan sa isyu ng economic bills  ang  E-Governance Act; National Land Use Act; Tax Package 3: Valuation Reform Bill; Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA) at Internet Transaction Act or E-Commerce Law.

Sa larangan naman ng national security, tatalakayin din ng LEDAC  ang National Defense Act; Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) and National Service Training Program (NSTP); pagtatatag ng Medical Reserve Corps, National Disease Prevention Management Authority, Virology Institute of the Philippines, at Department of Water Resources.

Kabilang din sa agenda ang “enactment of an enabling law for the natural gas industry; amendments to the Electric Power Industry Reform Act or EPIRA (Republic Act No. 9136) and amendments to the Build-Operate-Transfer (BOT) Law.”

Nakatakda namang iprisenta nina Senate President Juan Miguel Zubiri at  House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang  mga priority legislative measures ng Senado at Kongreso.

Kasama sa  legislature’s agenda ay posibleng pag-amiyenda sa COVID-19 Vaccination Program Act (RA No. 11525). Kris Jose