Unang libero team captain Dani Ravena pasok sa Akari

Unang libero team captain Dani Ravena pasok sa Akari

July 13, 2022 @ 4:21 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magiging pinakabagong dagdag si Dani Ravena na magpapalakas sa Akari Power Charger na nakatakdang mag-debut sa PVL Reinforced Conference sa Oktubre.

Malugod na tinanggap ng Power Chargers ang dating Ateneo Blue Eagles team captain noong Biyernes, kasama sina ex Balipure spiker Jho Maraguinot, dating F2 Logistics setter Michelle Cobb, Adamson’s Trisha Genesis at FEU’s Lycha Ebon.

Naglaro si Ravena para sa Ateneo Blue Eagles mula UAAP Seasons 80 hanggang 84.

Ang Power Charger ay pamamahalaan ng ina ni Ravena na si Mozzy.

Sa kanyang huling taon ng paglalaro, tinulungan ni Ravena ang Blue Eagles na makapasok sa playoffs matapos maalis ang University of the Philippines, talunin ang Adamson sa labanan para sa fourth seed, at patalsikin ang University of Santo Tomas sa unang stepladder match ng semis.

Gayunpaman, ang Cinderella run ng Ateneo ay naputol ng La Salle at nauwi sa bronze ang Blue Eagles.

Ang unang libero-captain sa UAAP ay nagtapos bilang ikaanim na pinakamahusay pagkatapos ng mga eliminasyon sa kanyang huling season, na may average na 2.57 digs bawat set.JC