Unang medical school sa Muntinlupa, inilunsad

Unang medical school sa Muntinlupa, inilunsad

October 8, 2022 @ 12:24 PM 6 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon na ang natatanging medical school sa lungsod na Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun)-Ospital ng Muntinlupa (OsMun) College of Medicine ay kasalukuyang tumatanggap na ng apliksyon para sa Doctor of Medicine Program kung saan magsisimula ito ng Oktubre 10.

Sinabi ni Biazon na ang PLMun-OsMun College of Medicine ang isa sa mga medical schools sa bansa na mayroong pinakamababang bayarin sa matrikula at nagbibigay din ng scholarships na makukuha sa Muntinlupa Scholarship Division ng lungsod.

“Mag-enroll na sa kauna-unahang medical school sa Muntinlupa! Experienced at mahuhusay ang faculty members mula sa iba’t ibang medical school sa bansa gaya ng University of the Philippines, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, atbp.,” ani Biazon.

Para sa mga aplikante ay kailangan nilang magsumite ng filled-out application form na kasama ng transcript of records na mayrooong four-year bachelor’s degree gayundin ang resulta ng kanilang National Medical Admission Test (NMAT), na ginagamti sa pagpili ng mga estudyante sa medical schools sa bansa, na kinuha sa loob ng dalawang taon magmula ng magsumite ng aplikasyon.

Matatandaan na nitong Nobyembre ng nakaraang taon ay ipinasa ng mga konsehal sa Muntinlupa City Council ang ordinansa na naghahayag na ang College of Medicine and Advanced Sciences ng Ospital ng Muntinlupa (OsMun) ay isa nang local economic enterprise.

Base sa inaprubahang ordinansa ng konseho, ang OsMun ay mag-ooperate na naaayon sa Universal Health Care Law na nakatuon sa layuning humubog sa mga estudyante na susunod sa healthcare system ng gobyerno upang maging public health servants at managers na mayroong commitment ng pagbibigay serbisyo sa gobyerno. James I. Catapusan