Unang monkeypox case sa Pinas, nakarekober na – DOH

Unang monkeypox case sa Pinas, nakarekober na – DOH

August 8, 2022 @ 3:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Gumaling na ang unang kaso ng monkeypox sa bansa at makalalabas na mula sa isolation, ayon sa Department of Health (DOH)  nitong Lunes.

Tapos na ang 21-day isolation ng 31-anyos na Pilipino, ayon pa sa DOH.

“The first monkeypox case in the Philippines has now finished [the] 21-day isolation period last August 5, 2022,” pahayag ng DOH. “The patient has recovered, and was cleared by their physician to be discharged from isolation.”

Subalit nakasailalim pa sa quarantine ang 10 close contacts ng monkeypox patient, base pa sa DOH.

Tiniyak naman ng health agency likewise sa publiko na wala pang natutukoy na panibagong kaso ng monkeypox.

Dumating sa Pilipinas nitong Hulyo 19 ang unang kaso ng monkeypox sa Pilipinas, mula sa mga bansang may naiulat na kaso ng sakit.

Ang Pilipinas ang ika-walong bansa sa World Health Organization’s Western Pacific Region – kasama ang Australia, Singapore, China, New Zealand, Japan, New Caledonia, Republic of Korea – na nasapul ng monkeypox. RNT/SA