Unang nasal vax para sa COVID-19 aprub na sa India

Unang nasal vax para sa COVID-19 aprub na sa India

September 7, 2022 @ 9:34 AM 4 weeks ago


NEW DELHI, India- Inaprubahan sa India nitong Martes ang llocally developed, needle-free at nasally administered COVID-19 vaccine para sa emergency use, upang palakasin ang homegrown pharmaceutical industry sa bansa.

Ang bagong inoculation ay nilikha ng Bharat Biotech, na nakapagdevelop na ng intravenous product na inaprubahan naman ng World Health Organization noong Nobyembre.

Binigyan ng drug regulator ng India ang bagong produkto ng emergency authorization nitong Martes, upang magamit ito na primary dose para sa unvaccinated o partially vaccinated adult, subalit hindi bilang booster.

“This step will further strengthen our collective fight against the pandemic,” sabi ni health minister Mansukh Mandaviya.

Ayon sa Bharat Biotech nitong nakaraang buwan, nagsagawa ito ng dalawang matagumpay na efficacy trials para sa bakuna

Wala pang detalye ukol sa kung kailan isasapubliko ang produkto.

Ang anunsyo ay kasunod lamang ng paglulunsad ng China ng unang nhalable coronavirus vaccine sa mundo, ang Convidecia Air, na ginagamitan ng nebulizer. 

Magugunitang labis na nasapul ang India ng pagsirit ng COVID-19 cases noong nakaraang taon, na halos ikaguho ng health care system nito.

Mahigit 200,000 pang namatay sa loob ng ilang linggo, batay sa datos, subalit paniwala ng mga eksperto, mas marami pa ito kumpara sa naitala. RNT/SA