Unang national quake drill sa 2022, kasado sa Marso – OCD

Unang national quake drill sa 2022, kasado sa Marso – OCD

February 16, 2022 @ 7:55 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang idaos sa Marso 10 ang kauna-unahang Online National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa taong kasalukuyan.

“Sa ating mga kababayan, sabay-sabay tayo muling mag-Duck, Cover, and Hold sa ika-10 ng Marso, alas-nuwebe nang umaga!,” ayon sa naging anunsyo ng Office of Civil Defense (OCD) sa Facebook post nito, Lunes ng gabi.

Idagdag pa na ang online NSED programs ay nakatakdang magsimula ng alas- 8 ng umaga.

“Tumutok sa Civil Defense PH page para sa mga anunsyo kaugnay ng ating First Quarter Online NSED Drill ngayong 2022!,” dagdag na pahayag ngOCD.

Nananatili namang suspendido ang In-person earthquake drills dahil sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

Ang NSED para sa first quarter ay gagawin sa Marso 11 habang ang NSED naman para sa second quarters ng 2021 ay gagawin sa Hunyo 10.

Ang third quarter national earthquake drill for 2021 ay isinagawa naman noong Setyembre 16 habang ang fourth quarter ay ginawa noong Nobyembre 11.

Ang nasabing event ay maaaring panoorin via live streaming sa Civil Defense PH at National Disaster Risk Reduction Management Council Facebook pages kung saan ang mga viewers o ang mga manonood ay maaaring gawin ang “duck, cover, and hold” sa kanilang tahanan at tanggapan sa oras na tumunog na ang ceremonial alarm. Kris Jose