Unang pagkasawi na iniuugnay sa monkeypox, naiulat sa US

Unang pagkasawi na iniuugnay sa monkeypox, naiulat sa US

August 31, 2022 @ 1:56 PM 1 month ago


WASHINGTON, United States- Kinumpirma ng Texas authorities nitong Martes ang pagkamatay sa US na iniuugnay sa monkeypox, subalit sinabing inaalam pa ang papel ng sakit sa pagkasawi ng “severely immunocompromised” patient.

Sa kasalukuyan, wala pang naiuulat na monkeypox patient deaths sa Estados Unidos sa outbreak kamakailan.

“The case is under investigation to determine what role monkeypox played in the death,” Tayon sa Texas health authorities.

Inilahad nila na ang pasyente ay isang adult na mahina ang immune system.

“I think that additional investigation is needed to know what role monkeypox may or may not have played in their death,” sabi ni Jennifer McQuiston ng Centers for Disease Control and Prevention sa isang press conference.

“It’s important to emphasize that deaths due to monkeypox, while possible, remain very rare,” aniya pa, at iginiit na kaunting indibidwal lamang ang namatay mula sa mahigit 40,000 kasong naitala sa outbreak kamakailan.

Sa kasalukuyan, nakapagtala sa US ng 18,100 kaso ng monkeypox. Naobserbahan ang bahagyang pagbagal sa pagdami ng mga kaso, batay sa datos mula sa health authorities.

Apektado ng epidemya ang gay at bisexual men, at karamihan sa pagkakahawa ay naganap sa sexual intercourse. RNT/SA