Unang Pambansang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag ipinagdiwang ng NPC

Unang Pambansang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag ipinagdiwang ng NPC

August 30, 2022 @ 1:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinangunahan ng National Press Club (NPC) ang pagpapasinaya sa busto ni Gat Marcelo Hilario del Pilar kasabay ng unang pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Malayang Pamamahayag (National Press Freedom Day) ngayong Agosto 30, 2022 sa ganap na ika-9 ng umaga sa mismong bakuran ng NPC.

Ito ay bilang simbolikong pagdakila sa buhay ng Pambansang Bayani at Ama ng Makabayan at Responsableng Pamamahayag sa Pilipinas.

Ang pagdiriwang na ito ay bilang pagsunod din sa isinasaad ng RA 11699 na nagtatakda sa Agosto 30 ng bawat taon bilang Pambansang Araw ng Malayang Pamamahayag na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Abril 13,2022.

Sa kanyang ipinabatid na mensahe sa kanyang kinatawan na si Rey Langit, sinabi ni Robin Padilla na siyang Panauhing Pandangal, Tagapangulo, Senate Committee on Public Information and Mass Media na ang pagpapasinaya ng busto ngbisang rebolusyunaryong umukit ng napakahalagang ambag sa ating kasaysayan na si Gat Marcelo del Pilar.

Ayon pa sa Senador , ang hindi matatawarang kontribusyon ni Marcelo bilang isang dalubhasa, propagandists at ay naging tulay upang mamulat ang ating kababayan laban sa pagmamalupit at pang-aabuso na siyang naging daan para sa pagkakasama at pag-aaklas laban sa mga dayuhang mananakop.

Bilang tagapangulo ng committee on public information at mass media, tiniyak ng Senador na itutulak niya sa batas ang mga isyu at adbokasiya na sumasaklaw sa public information, mass communication at broadcast services lalo na sa panahon ito kaalinsabay sa pagpapatibay sa paglaban sa maling impormasyon.

Sinabi naman ni NPC President Lydia Bueno na ang tema ng pagdiriwang ngayon ay “Gat. Marcelo H. del Pilar: Dangal ng bansa, Inspirasyon ng Mamamayan” Kung saan kasabay ng pagtatayo ng busto sa bakuran ng NPC ang pagdiriwang naman ng ika-172 kaarawan ng Bayani.

Aniya hindi lamang ito simpleng selebrasyon dahil taon-taon na ito gagawin at bilang pagkilala sa kanyang mga dakilang kontribusyon sa pamamahayag ay naglagayng panghabambuhay na pagkilala sa kanyang naging ambag sa larangan ng pamamahayag.

Dagdag naman ni Paul Gutierrez, na ang mandato ng naturang batas na tuwing Agosto 30 ay gagawa ang national at local government ng programa na nakatupn sa kahalagahan ng media, kahalagahan ng ambag at kontribusyon ni Del Pilar.

Katuwang ng NPC sa pagdiriwang ng mahalagang araw na ito ang Presidential Task Force on Media Security, Office of the President, Office of the Vice President, Department of Education, Commission on Higher Education, Komisyon sa Wikang Filipino, Technical Education, Skills and Development Authority, Manila City Hall Chief of Staff Josue Santiago at spokesperson Atty.Princess Abante gayundin ang ibat-ibang samahan ng mga mamahayag sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden