Unang pares ng fast-attack boats ng PH Navy darating sa Q3

Unang pares ng fast-attack boats ng PH Navy darating sa Q3

July 2, 2022 @ 4:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Darating ang unang dalawang units ng fast-attack interdiction craft (FAICs) ng Philippine Navy (PN) sa ikatlong kwarter ng taon, ayon sa tagapagsalita ng Navy nitong Sabado.

Sinabi ni Commander Benjo Negranza, PN spokesperson, na matagumpay na pumasa ang FAICs successfully sa sea trials sa Israel mula Hunyo 27 hanggang Hunyo 30 na nasaksihan ng inspection team mula sa PN.

“The inspection culminated with the signing of the joint certification of compliance required for the shipment of the two FAICs to the Philippines and are expected to arrive sometime in the middle of the third quarter of this year,” sabi ni Negranza.

Ang pagbili sa bagong FAICs ay bahagi ng pagsisikap ng PN na maging moderno at multi-capable naval force, base kay Negranzana. RNT/SA