Unang ‘Pride Ride’ sa Pinas, idinaos

Unang ‘Pride Ride’ sa Pinas, idinaos

June 27, 2022 @ 8:37 AM 2 months ago


(Photo from Everyday Cyclist)

 

MANILA, Philippines – Idinaos ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community ang kauna-unahang “Pride Ride” sa Pilipinas.

Lumibot sa Taguig City at Makati City ang mga motorsiklo at bisikleta na may mga maliliit na bandera ng bahaghari.

“We want equal respect and we want people to understand na right now the universe is very diverse,” sabi ng co-organizer ng Pride Ride na si Che Cruz.

“Malawak ‘yung spectrum ng sexuality and everyone should have the same right kasi pare-pareho tayong tao,” dagdag pa niya.

Tulad ng taunang Pride March, ang Pride Ride ay naglalayong i-promote ang mga karapatan ng LGBTQIA+ community, gaya ng same-sex marriage.

Samantala, 17 LGBT couples ang nagpalitan ng “commitment vows” sa isang seremonya sa Quezon City. RNT