Unang sesyon sa 19th Congress umarangkada sa Kamara

Unang sesyon sa 19th Congress umarangkada sa Kamara

July 25, 2022 @ 1:14 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Pormal na binuksan ng Kamara ang unang regular session nito sa 19th Congress nitong Lunes ng umaga, bago ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Opisyal na binuksan ng lower chamber ang inaugural session ng alas-10 ng umaga na pinangasiwaan ni House Secretary-General Mark Llandro Mendoza.

Ang convening ng regular session ay alinsunod sa Article VI, Sections 15 at 16 ng 1987 Constitution, kung saan nakasaad na kinakailang mag-convene ng Kamara nang isang beses kada ika-apat na Lunes ng Hulyo para sa regular session nito.

Dinaluhan ito ni Vice President Sara Duterte.

Nakatakda si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang susunod na Speaker.

Magko-convene ang Senado at Kamara sa isang joint session upang makinig sa SONA ng Pangulo mamayang alas-4 ng hapon. RNT/SA