Unang SONA ni PBBM, face-to-face

Unang SONA ni PBBM, face-to-face

July 4, 2022 @ 3:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ng House of Representatives na imbitado ang lahat ng 315 miyembro ng Kamara at 24 senador para sa kauna unahang State of the Nationa Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa July 25 na gagawing full, face-to-face capacity.

Ayon kay House of Representatives Secretary-General Mark Llandro Mendoza ang kapasidad ng Batasan Plenary Hall ay nasa 1,200 katao.

“Yes full capacity tayo, face-to-face na ang gagawin natin.So we’re expecting all 315 members to be present plus the 24 senators to be there. Members of the diplomatic corps, lahat ng invited guest natin sana makadalo”pahayag ni Mendoza.

Matatandaan na sa dalawang huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hybrid o pinagsamang live at virtual set-up ang naging sistema dala na rin ng banta ng COVID 19.

Maging ang media ay papasukin para ikober ang okasyon subalit limitado lamang ang papasukin sa loob ng plenary habang maglalagay ng holding areas sa paligid ng Batasang Pambansa Complex para maaccomodate ang iba pang mga magkokober na reporters. Gail Mendoza