Unang SONA ni PBBM, mapayapa-PNP

Unang SONA ni PBBM, mapayapa-PNP

July 26, 2022 @ 8:17 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na naging mapayapa ang pagsasagawa ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Lunes.

“We attribute the peaceful and orderly conduct of SONA to the cooperation, collaboration, coordination, and commitment of all agencies involved in the planning and implementation of the security plans,” sabi ng PNP sa isang pahayag.

Ayon sa PNP, walang naiulat na major untoward incidents kaugnay ng SONA.

Nagpasalamat ang PNP sa mga mamamayan at mga progresibong organisasyon sa kanilang pakikipagtulungan sa mga hakbang sa seguridad na ipinatupad ng organisasyon ng pulisya.

Parehong nag-rally ang mga tagasuporta ni Marcos at mga progresibong grupo sa araw ng SONA.

Humigit-kumulang 5,000 protesters ang nagsagawa ng kanilang programa sa Commonwealth Avenue habang “more or less” 6,000 Marcos supporters ang nagtipon sa IBP Road sa Quezon City, sinabi ng PNP.

Una rito, tiniyak ng PNP na hindi makakaapekto sa security measures para sa SONA ang fatal shooting incident sa Ateneo de Manila University noong Linggo. RNT