Unburned rocket debris iulat agad

Unburned rocket debris iulat agad

January 10, 2023 @ 11:36 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – HINIKAYAT ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang publiko na agad na i-report sa mga awtoridad kapag nakakita ang mga ito ng “unburned rocket debris” ng Long March 7A ng China na inilunsad mula sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan Island, araw ng Lunes.

Ayon sa PhilSA, ang debris ay inasahang babagsak sa dalawang drop zones.

Ang drop zone area 1 ay 79.877 km. mula Burgos, Ilocos Norte, at 121.306 km. mula Dalupiri Island sa Babuyan Islands habang ang Drop zone area 2 ay 41.686 km. mula Sta. Ana, Cagayan, 41.37 km. mula Camiguin Island sa Babuyan Islands, at 47.844 kilometro mula Babuyan Island.

Nauna rito, nagpalabas naman ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng notice sa mga airman kaugnay sa air navigation routes na maaaring naapektuhan at mag-provide ng mga piloto sa alternatibong ruta.

Sa isang advisory, sinabi ng PhilSa na ang “unburned debris” mula sa rockets, gaya ng booster at faring, ay dinisenyo para maging discarded kapag ang rocket ay pumasok na sa outer space.

“Although it is not projected to fall on land features or inhabited areas, it may pose danger to ships, aircraft, fishing boats, and other vessels that will pass through the drop zone,” ayon sa PhilSa.

Kung matatandaan, sinabi ni Marc Talampas, Space Technology Missions & Systems Bureau director ng PhilSa sa isang panayam na “Every time (a rocket is launched) from the Wenchang Space Launch Center, it is expected that debris would fall on Philippine coastal waters.”

” Usually, debris would fall on coastal waters a few minutes after a rocket launch,” dagdag na pahayag nito.

Wika pa ni Talampas, sa mga nakaraan, kaagad na natatagpuan ng mga mangingisda ang debris matapos ang isang araw o ilang araw simula nang ilunsad ang rocket.

“The debris may float around the area and wash toward nearby coasts. The possibility of an uncontrolled re-entry to the atmosphere of the rocket’s upper stages returning from outer space cannot be ruled out at this time,” ayon sa PhilSA.

Samantala, para naman kay PhilSA researcher Paul Leonard Hilario, mahalaga na matuklasan ng mga scientist ang lokasyon ng debris upang malaman ng mga ito ang accuracy ng tinatayang drop zones.

Binalaan naman ang publiko sa pag-retrieve at paglapit sa mga materyales dahil maaari aniyang nagtataglay ang debris ng remnants o mga natitirang toxic substances gaya ng rocket fuel.

Kung sakali ani Hilario na aksiidenteng mahawakan nila ito ay kagyat na maghugas ng kanilang mga kamay. Kris Jose