‘Uncharted’ ipinatanggal sa PH cinemas sa nine-dash line scene

‘Uncharted’ ipinatanggal sa PH cinemas sa nine-dash line scene

April 27, 2022 @ 12:07 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ipinatanggal ang American action film na “Uncharted” sa mga sinehan sa Pilipinas, alinsunod sa hiling ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa isang eksena kung saan tampok ang imahe ng nine-dash line ng China, ayon sa DFA nitong Miyerkules.

Sinabi ng DFA na “contrary to national interest” ang nine-dash line claim ng Beijing sa South China Sea.

Ayon pa sa DFA, hiniling nito sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na huwag nang ipalabas ang pelikula sa mga sinehan sa bansa.

Bilang tugon naman sa departamento, sinabi ng MTRCB na naipag-utos na nito sa “Columbia Pictures Industries Inc. to cease and desist from exhibiting the said motion picture, unless and until they are able to remove the objectionable scenes,” base sa DFA.

“MTRCB further reported that Columbia has since complied with its order and has pulled out the movie from the cinemas,” patuloy ng ahensya.

“The nine-dash claim is contrary to national interest, which has been settled in the 2016 Arbitral Award,” giit pa ng DFA. RNT/SA