‘Undersea’ fund source para sa MWF, inilatag ng solon

‘Undersea’ fund source para sa MWF, inilatag ng solon

December 12, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tinukoy ni Surigao del Sur 2nd district Rep. Johnny Pimentel ang potensyal na pagkukunan ng pondo para sa Maharlika Wealth Fund (MWF).

Base kay Pimentel, lahat ng future national government royalties mula sa darating na offshore natural gas projects sa West Philippine Sea (WPS) ay dapat gamitin para sa proposed investment-centric sovereign wealth fund.

“We would highly recommend that all potential government earnings from prospective undersea gas development projects – excluding those from Malampaya – should accrue to the MIF (Maharlika Investment Fund)” pahayag ng mambabatas nitong Linggo.

Tinutukoy niya ang MWF sa unang tawag dito base sa original bill sa 19th Congress, House Bill (HB) No.6398.

Sinabi ni Pimentel na maikukumpara ang commercial development ng gas field sa sukat ng Malampaya kung saan makakukuha ng windfall na mahigit P500 bilyon sa government royalties sa loob ng 20 taon.

“Right now, the Malampaya royalties accrue to the national treasury every year and help fund the national budget. This is okay since the project’s gas deposits are nearing depletion anyway,” ayon sa mambabatas.

“However, once the Sampaguita gas discovery is eventually developed, we would want 100 percent of the royalties to be invested in the MIF for the long-term benefit of the Filipino people,” dagdag niya.

Binabalak ng Kamara na magtatag ng sovereign wealth fund ng bansa.

Sa ilalim nh HB No. 6398, ang proposed MIF–na kalaunan ay tinawag na MWF– ay planong i-invest sa real at financial assets upang lumikha ng “nest egg” para sa bansa at upang mas palakasin ang national economic development.

Si Pimentel ay dating chairperson ng House Strategic Intelligence Committee. Siya rin ay proponent ng panukala na nagsusulong na maglaan ng P5 billion para sa paglalagay ng bagong naval forward operating bases upang bantayan ang gas at oil deposits sa WPS para sa bansa. RNT/SA