‘Undetected COVID cases’ ibinabala ng DOH

‘Undetected COVID cases’ ibinabala ng DOH

October 11, 2022 @ 8:44 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na ang paggamit ng home-based antigen test kits ay may epekto sa datos na nagkaka-COVID-19.

Giit ng DOH, mas kakaonti na ang gumagamit ng RT-PCR confirmatory testing dahil kadalasan ay antigen test na ang kanilang ginagamit lalo na sa ilang mga establisyimento, opisina at sa bahay.

Ito umano ay nagreresulta ng mas mataas na bilang ng “undetected cases” kaya naman bumababa ang mag naitatalang kaso ng naturang virus dahil hindi ito naisasama sa pinal na datos ng DOH.

Kasabay ng pagbaba ng nagpapa-RT-PCR ay nagpaplateu rin ang bilang ng mga nagpapaospital dahil sa COVID-19.

Sinabi ni Dr.Alethea De Guzman , director ng DOH Epidemiology Bureau na ang admission sa ngayon sa mga ICU sa mga severe at critical sa bansa ay nagplateu matapos ang pagtaas noong August 2022 sa kabila na ang ICU bed utilization rate ay nanatiling mababa sa 50 percent o nanatiling low risk.

Gayunman, iginiit ng DOH na hindi nangangahulogan na hindi na kailangan magpa-booster shots.

Ayon pa sa DOH, mababa pa rin ang bilang ng nagpapa-booster shots sa ngayon lalo na sa mga bata at senior citizens.

Giit ni De Guzman, dapat palakasin pa ang vaccination efforts ng gobyerno upang masiguro na ang mga vulnerable individual ay mabigyan ng proteksyon laban sa severe disease at kamatayan.

Para sa mga batang 5-11 years old na may pinakamababang full vaccination coverage sa buong bansa , habang sa mga senior citizens na may pinakamataas namang panganib sa kamatayan kung saan mababa rin ang nakatanggap ng kanilang booster doses.

Paulit ulit namang nagpaalala ang DOH sa publiko na magpabakuna at magpa booster shots gayundin ang patuloy na pagsunod sa health protocols upang makaiwas sa sakit. Jocelyn Tabangcura-Domenden